1. Hindi ako marunong sumipol.
- weird talaga dahil alam ko karamihan ng lalaki marunong sumipol ako lang yata ang hindi marunong. Kahit nga kapatid kong babae (?) na si aylin marunong sumipol. Gusto ko pa naman dati isipol yung commercial ng COKE na “ALWAYS LOOK ON THE BRIGHT SIDE OF LIFE”.
2. Hindi ako marunong mag bike, mag angkas sa bike at mag skateboard.
- naalala ko noong high school pa ako, muntik na akong masagasaan nung minsang nagbike ako sa me daang bukid. Nasanay kase ako na sa bakuran lang namin nagba bike. Naka gloves pa ako dati noon. Nung nagcollege naman ako summer yun, nagkayayaan kame ng mga pinsan ko na magpunta ng baywalk na naka bike lang. noong pauwi na kame at sa may Macapagal road kame dumaan, bumagsak ako sa bike dahil nalubak ako. Sadsad tuloy ako sa may bandang damuhan at nagasgasan ang kamay, braso at hita ko. Buti nalang konti palang dumaraan dun dahil nakakahiya talaga. Mahina talaga ako sa mga balancing act kaya ang sports ko basketball sa loob ng bahay…. Nba live o 2k sa ps2. hehe
3. Hirap akong makapagbawas sa umaga at madaling kumulo at mag alburoto ang tiyan ko pagkatapos kumain.
- noong college nga ako ng nasa baclaran na ako para kuhain ang class cards ko, biglang kumulo ang tiyan ko at hindi naman ako makauwi sa bahay dahil hindi na kaya ng powers ko. Kaya sa simbahan sa me baclaran ako nagmamadaling tumakbo para gumawa ng kasalanan.
4. Noong bata pa kame ni Jeric, gustong gusto naming magbakasyon sa Bulacan. Umiiyak pa kame pag sinusundo na kame nila papa at mama para bumaliki ng manila. Minsan nga napagtripan pa naming basain yung damit namin para lang hindi makauwi o magtago kame pag hinahanap na kame nila mama at papa.
5. May speech defect ako.
- hindi ko alam ang kaibahan ng F at P pag nagsasalita. Lagi nga akong pinagtatawanan ng mga kapatid ko pag pinapasabi na mga salitang may F gaya ng flower, favorite, feelings, ficture… etc.
6. Nag top 3 ako noong 4th yr high school ako.
- 2nd Grading noon ng maging top 3 ako at makatanggap ng merit card. Yun ang binibigay na parang size ng index card pag nasa top 1 – 3 ka. Paano ako naging top 3? Ilan lamang kameng walang bagsak sa klase at hindi pwedeng makasama sa top 10 pag may bagsak kahit na mataas pa ang iyong average. Swerte lang dahil wala akong bagsak noon kahit ang average ko lang ay 78% kaya ako naging top 3.
7. Hindi ako marunong lumangoy.
- kame lang yata ni mama sa pamilya namin ang hindi marunong lumangoy. Hindi ko alam bakit hindi ako natutong lumangoy kaya ayoko pag nasa malalim na kase nasa gilid lang ako ng pool at nagkakandirit na nakadikit sa gilid ng swimming pool.
8. Mababaw lang ang luha ko kaya lagi akong napupuwing sa mga palabas gaya ng Wish Ko Lang, Maalala Mo Kaya, etc. basta may mga nakakaantig na eksena. Napasinghot nga ako ng pinanuod ko yung One More Chance ni John Lloyd at Bea. Buti nalang ako lang mag isa nanuod at nasa Saudi na ako. Hehe
9. Noong high school ako nahilig ako sa party line o party phone (?) at makipag eyeball.
- yan yung me ida dial kang numero se telepono at marami kayong nandoon. Manghihingi ka ng number sa mga nandoon para private na kayong mag usap dahil magulo talaga dahil lahat gustong makipagkilala e. may codename pa dati na ginagamit at doon ko yata nakuha yung email kong bogchi.
NOTE: hindi lahat ng maganda ang boses ay maganda rin sa personal.
10. Kanan ako magsulat pero pagdating sa sports gaya ng basketball, bowling, tennis, fencing, TEX, etc. ay kaliwete naman ang gamit ko.
11. Gusto kong manuod ng mga horror movies pero magugulatin naman ako pag nanonood nito. Kaya inuunahan ko ng gulatin yung kasama kong nanunuod para konti nalang yung gulat ko. =)
12. Mahilig akong mangolekta ng FHM noong college ako pero nung nagkatrabaho nako at nagkaroon ng sariling pera ay natigil naman ang pagbili ko nito. Pero hindi naman sinabi na hindi nako nagbabasa nito. Nagda download nalang ako ng mga PDF format o ebooks sa internet ng mga issues nito. =P
13. Crush ko dati sina Jolina Magdangal at Rica Peralejo noong high school ako. Nakipag agawan pa nga ako ng picture para ipa autograph kay Rica noong nagpunta sa school namin dahil may mini fair. Nagpapicture naman ako kay Jolina noong nag guest sya sa SM Jologs (Sucat) noong nagtatrabaho pa ako dun. Hehe
14. Hindi ko alam saan nanggaling yung palayaw kong Jimbo.
- tinatanong ko ang mga mahal kong magulang kung pano nila nakuha yung palayaw ko ngunit wala silang malinaw na eksplanasyon na maibigay. Yung kapatid ko naging Jeric dahil galing sa Joseph Eric samantalang ako Joseph Bernard kaya dko alam bakit naging Jimbo kaso mas pangit naman pala kung naging JBern. =9
15. Antukin ako dahil kahit nakaupo at me masandalan lang makakatulog na ako. Saka hindi ako naghihilik pag gising. =)
16. Kapuso ang favorite channel ko kaya namimiss nako ng mga Kapamilya ko sa Pinas.
17. Mahilig pa rin akong maglaro ng computer games at manuod ng mga anime gaya ng Naruto at Bleach. =)
18. May lahi daw akong Ilocano sabi ng mga tito ko.
- Mas gusto ko pa kaseng maglakad pauwi ng bahay o kahit na gutom na gutom na ako ay sa bahay parin ako kakain dahil ayokong mabaryahan ang pera ko. Feeling ko kase pag nabaryahan na dire diretso na ang gastos nito. Saka hindi ako mapapagastos sa mga branded na gamit at palagi akong nag aabang ng sale sa Isetann Sta. Cruz dahil yung mga pantalon na Company B ay mabibili lang sa halagang 250-300 pesos.
19. Umiihi ako sa salawal noong bata pa ako habang natutulog.
20. JEDDAH ang call sign ko sa radio nung nagtrabaho ako sa SM. Yung Jeddah ay nasa Saudi kaya natatawa ako dahil dito pala ko sa Saudi mapupunta. Yung Jeddah nga pala ay 3 hours drive mula dito sa Yanbu.
21. Noong 1st year high school ako, pinatawag ang aking ina sa principal’s office dahil nagsumbong ang maestra ko. Nagtuturo kase sya ng mga uri ng sayaw ng mabanggit nya ang TANGO. Tinanong ko ang katabi ko ano naman ang TANGA? Tumawa ang loko at nung nakita ng titser namin bakit daw tumatawa sinabi nya yung tinanong ko. Akala tuloy ng titser ko sya yung sinasabihan ko nun.
TANGA – noon ko lang nalaman na underwear pala yun na pambabae. Napatawag pa tuloy yung nanay ko dahil sa insidenteng yun.
22. Naalala ko ng bata ako at nagbabakasyon sa Bulacan, namatanda ako o yung napaglaruan ng duwende. Parang biglang lumaki yung paa ko kaya pinatignan ako sa albularyo. Napag alaman ngang me tinamaan daw akong bahay ng duwende kaya gumanti at yun nga ang ginawa. Sayang nga lang at yun ang lumaki hindi yung anu ko….=) yung katawan para maskulado sana ako. Hehe
23. Noong Grade 6 ako, nagkayayaan kame ng mga kaklase kong manuod ng BASIC INSTINCT ni Sharon Stone. Gagawin namin yun pagkatapos ng klase at nagdala pa ako noon ng basketball shorts para hindi halatang menor de edad. Nakalusot kame sa loob ng sinehan. Hehe Pag uwi ko ng bahay ay galit na galit ang nanay ko dahil hinahanap ako sa eskwelahan dahil gabi na wala pa ako at dinahilan ko ay nagkayayaan kameng magbasketball ng mga kaklase ko. Lusot ako. Hehe
24. Noong nagtatrabaho na ako sa una kong kompanya, nagkayayaan kame ng mga officemate kong magpunta sa Miss Universal sa Libertad para uminom. Kaso nga hindi ako palainom at ang inorder ko lang ay Mountain Dew. Pagdating nung bill ay nagulat kame dahil yung Mountain Dew pala ay parang Ladies Drinks dahil ang presyo nito ay P50 kumpara sa beer na ang presyo lang ay P30.
25. Mahilig akong mag download ng mga programs sa internet na trial version kung saan magagamit mo lang ito ng ilang beses saka maghahanap naman ng crack file para maging full version ito. Epektib naman yung ganitong paraan kaso kung minsan ay may halo ding virus ang mga ganitong file.
5 mga oras ang nakalipas


